yehey!

Grabe! Ang saya ko! ‘Di ako makapaniwala na napasa ko NCEA Level 2, hindi ko alam kung ilan lahat-lahat ng credits na nakuha ko pero ayon sa calculator pasado ako :D Sabi nga nila expect the unexpected. Kung ano inaasahan ko na mapapasa ko yun pa nabagsak ko at kung ano naman ang inaasahan ko mababagsak ko, aba! Napasa ko! Pero ayos na din kesa nabagsak ko lahat. Sana ganito ulit sa pasukan lalo na at huling taon ko na sa highschool. Ganito as in, naiintindihan ko lahat ng pinag-aaralan namin at nakakapasa kahit papaano hindi tulad nung Year 11 ako ‘di ko alam kung sadyang bobo ba ako o tamad lang at hindi ko napasa ang NCEA Level 1 pero pwede din na dahil siguro kararating palang namin ng New Zealand eh pinapasok na kaagad ako ng magulang ko kaya nabigla ako kung paano ba ang patakaran ng eskwelahan dito. Sa totoo lang kinakabahan ako sa darating na pasukan kasi kukuha ako ng Statistics, ‘di ko alam kung mapapasa ko ba o hindi pero kailangan ko kumuha dahil related ‘to sa IT. Mas mabuti na siguro ‘to kasi kung tututukan ko talaga mapapasa ko hindi tulad ng Science kahit anong gawin ko ‘di ko maintindihan HAHA :)